Saturday, December 31, 2005

Di na naman kailangan pang sabihin sa mundo ang katotohanan na'to. Siguro, normal pa siyang maituturing, pero...
bakit ko nga ba nasabi na baliw sya kung wala naman akong nalalaman sa "sikolohiya"... phsychology... utak ng tao... pare-pareho lang lahat yan. Basta para sa'kin, yun ang alam ko.
Maingay ang lugar kung nasaan ako ngayon. Wala pang bagong taon, nakakarindi na... pano pa mamaya. Internet shop. Ragnarok. Kamusta naman? Pero sige, naririnig ko pa ang talatak ng keyboard... teka... di naman akin 'yun ah.
Yung litrato? Gusto ko... maganda. Paborito ko ang orange. At yung nakalagay mismo sa litrato... gusto ko rin... sabihin ko man na personal, obvious naman kung bakit.
Bagong taon? Ano naman. Bukas, ito parin ako. Walang magbabago. Isang araw lang. Tulad ng iba, tulad ng kahapon, tulad nung isang linggo. Ang January 1 ay tulad lang ng kung anong araw sa June o September. Ang mangyayari bukas ay nakasalalay sa tao na makakaabot pa kinabukasan. Sana isa pa'ko dun.
Pangako ng gobyerno... Sige, asa lang ng asa (habang kumakayod kabayo...) Mga pangako ay mga salitang may kapangyarihan. Pero depende lang din kung maniniwala ka o hindi. Ako? Sa dami ng nasabi na sa'kin... bahala na.
2006. Ano naman. 2006, bagong taon, oo, naniniwala ako, bagong simula.
Pero madami parin na hindi ko babaguhin. Sa ayoko.
Eh ikaw? Tigilan mo'ko, ngayon palang nagbago ka na.
twisted_celine [
4:32 PM ]
0 Comments:
Post a Comment
<< Home